Baliwag News Service

Pistang Bayan 2017

9

Pistang Bayan 2017

Ngayong Darating na ika-14 ng Mayo ay ipagdiriwang natin sa ating Bayan ang Pistang Bayan sa ating Parokya. Ito ay ginagawa tuwing ika-2 linggo ng Buwan ng Mayo. Noong mga nagdaang panahon, Ito ay pinagdiriwang bilang Pasasalamat ng ating Bayan para sa isang masaganang ani ng mga magsasaka sa ating Bayan sa pamamatnubay ng patrong San Agustin.
Sa ating Parokya, ilang programa ang hinanda nito tulad ng pagmimisa sa Bilanguan, Libreng Tuli at ang Exhibit ng mga Santong may pintakasi kay San Agustin (Agustinian Saints). Sa Araw ng Kapistahan, sa ganap na ika-4 ng hapon ay makikilahok ang lahat ng Baranggay na nasasakupan ng Bayan ng Baliwag at ipuprusisyon nito ang imahe ng kanilang mga Patron sa bawat barangay.
Sa taong ito ay muling pamumunuan ni Sir Knight Jorge Allan R. Tengco ang mga pagdiriwang sa ating Parokya bilang Hermano Mayor ng Pista sa Parokya ni San Agustin.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.