At nito lamang nakaraang ika dalawampu’t isa ng abril taong kasalukuyan, ay nagkaroon nanaman ng muli ng pamamahagi ng Track 2 Microenterprise ang Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at pag papaunlad, sa labing dalawang (12) benepisyaryo ng pantawid pamilyang Pilipino program sa bayan ng Baliwag Bulacan residente ng barangay Barangca, Subic, Tilapayong at Catulinan. Ito ay pinangunahan ng ating kagalang galang na punong bayan Mayor Ferdie V. Estrella, na siyang laging kaisa ng departamento sa layuning mapaangat ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamayang Baliwageno.
Ang pag gagawad ng nasabing microenterprise o puhunang nagkakahalaga ng sampung libo (Php 10,000) bawat benepisyaryo (Php 120,000 kabuuang tulong pinansyal sa nasabing mga benepisyaryo) ay isinagawa kasabay ng programang High Five caravan sa Paaralang Elementarya ng Tarcan. Ang layunin ng nasabing microenterprise program ay bigyang tulong ang bawat kwalipikadong benepisyaryo ng puhunan upang makapag simula ng kanilang sariling negosyo o magamit ang naturang capital sa pag papalago ng kaninlang kasalukuyang negosyo. Mababatid natin na ang mga miyembro ng pantawid pamilya ay nabibilang sa vulnerable o indigent families sa nasabing bayan ayon sa nakaraaang survey (2009 NHTS, at 2015 SWDI) ng DSWD. Ang mga pamilyang ito ay siyang binibigyang tulong ng pamahalaan upang maiangat at makamit ang antas ng pamumuhay na kung saan ay makakaya na nilang itaguyod ang kanilang pamilya, meron o wala mang tulong ng pamahalaang nacional.
Mapalad din ang ating mga kababayan/ benepisyaryo sa walang patid na pagsuporta ng pamahalaang lokal sa pangunguna ng ating punong bayan sa layunin ng DSWD kung saan ay naglulunsad din ng mga programang naka linya sa pag tulong at pagsuporta sa mga benepisyaryong ito upang makamit ang mas maayos at katanggap tanggap na antas ng pamumuhay, isa na rito ang programang High FVE na kung saan inilalapit ng lokal na pamahalaan ang mga serbisyo at programa sa mismong taong bayan tulad ng programang pangkalusugan, pang kapaligiran, edukasyon, pagpaparehistro, pangkagalingan at mga serbisyo at programa ng ibat ibang departamento ng Lokal na Pamahalaan. Ang high fve caravan of services ay patuloy na nag iikot sa bawat barangay alinsunod sa scheduled dates nito para sa taong 2017, at ang pagbibigay ng tulong pinansyal para sa mga pamilyang nasa crisis tulad ng tulong pangsuporta sa medical at edukasyonal na pangangailangan. Tunay nga na ang kasaganaan at kagalingang pangkalahatan ay mas madaling makakamit at mararamdaman kung tayong lahat ay makikiisa sa mga programa at sama sama sa pag kamit nito, sa pamamagitan ng pagtutulong tulong ng national government at ng lokal na pamahalaan ng baliwag, ay tuloy tuloy na nararamdaman ng mga indibidwal , grupo o pamilya ang mga serbisyong angkop at nappaanahon para sa ikatataguyod ng pangkabuuang pangkagalingan nito.
Sa bawat opportunidad at suportang hatid ng Pamahalaang nacional, DSWD at Lokal na Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa mga benepisyaryo ng programa, naway hindi lamang sa mga buhay ng mga benepisyaryong ito magkaroon ng positibong pagbabago, ngunit magsimula dito ang pagkilos ng bawat mamayan upang tangkilikin ang bawat programang handog ng nacional at lokal na pamahalaan para saikauunlad ng buhay ng mga ito.
High fve!, tayo na para sa mga initiatibo at produktibong mga programang handog sa bawat pamilyang baliwageño.